Tuesday, June 20, 2006


this is the title of my blog spot kasi until now im still uncertain kung maggawa ba ako or hindi. Kung hindi ko pa kailangan na gumawa ng user account para mag post ng comment ciguro green apple pa rin ako sa paggawa ng blog.

naisip ko ano ba talaga ang nakukuha sa paggawa ng blog? Stress reliever ba ito? para ba ito sa mga frustrated writers? sa mga tsimoso at tsismosa? sa mga office workers na wala maggawa sa break time nila? sa mga single? Sa mga brokenhearted at ginagawang escape ang blog? sa mga artists na dito sa blog nilalabas ang creativity nila? sa mga teenagers na marami reklamo sa buhay? sa mga walang kaibigan at dito na lang binibuhos ang mga kwento nila? sa mga taong mahilig makigaya sa uso dahil ang paggawa ng blog ay IN ngayon? sa mga curious at gusto malaman kung ano ang blog? sa mga walang trabaho? sa mga taong na-impluwensyahan ng kabigan, kapatid, kakilala, katextmate, kachat? sa mga magulang na na-impluwensyahan ng anak? para sa mga loner? sa mga madadaldal at pati sa blog nilabas ang kadaldalan nila?
kung saan ka man dito at kung paano ka pa man nagsimula mag blog, salamat at kung hindi dahil sa inyo hindi ito sisikat, hindi ko ito malalaman at wala ako gagawin ngayon sa bahay.
decided na ako at ngayon my decision is "TO BLOG" at walang makakapigil sa akin.

0 comments: